Tuesday, April 23, 2013

I love you




Napapalingon tuwing ika'y dumadaan
Ngiti mong kay sarap pagmasdan
Di mabura sa aking puso't isipan
Di malaman kailan kaya makakamtan

Wala na kong masabi
Gusto kitang kasama parati
Mundo ko'y nahahati
Dahil sa pag-ibig na di alam ang sanhi

Isang tanong na di alam ang sagot
Mga katagang pumapawi ng kalungkutan
Iyo bang sinasabi lahat ay totoo
O hangang pangarap nalang siguro

Lahat ng ito'y ikaw ang may sala
Mga mata mo na parang tala
Dulot saki'y malaking ginhawa
Sa Pagsabi ng mahal kita di ako magsasawa

Pag-ibig ko sayo'y di magwawagas
Kahit sino pa man ay di makahahadlang
Lahat ng ito'y hindi sana kalokohan
Dahil ako sa iyo'y totoo kahit na kailan pa man

Isinulat Sept 17 2010 6:02 PM

No comments:

Post a Comment