Gusto mo bang lumala?
BAkit hindi mo igala
Mga mata mong lumuluha
Siya ba ang dahilan?
Kung bakit hindi mo mapigilan
Maipadama sa kin
Ang tunay na damdamin
Malamig na pakikitungo
Tulalalang tumatango
Ganyan ka ba talaga?
Tingin mo wala halaga?
Sulyap sa alapaap
Walang tigil sa pagsinghap
Pag-asang muling Makita
Sa harap ang aking sinta
Walang katapusang humahangos
Tulad ng Ilog sa umaagos
Patuloy sa pag sugod
Pusong hindi napapagod
Nasilayan ka rin sa wakas
Ngunit parang papel na pinilas
Pira-pirasong pangarap
Ngayo’y unti-unting hinaharap
Sa pagpapala ng panginoon
Ako doo’y napalingon
Tanging gulat nang ika’y Makita
Sinasabing mahal kita
Nabihag ito sa dalawa
Animo’y malalim na hiwa
Dinulot mo sa aking puso
Na ngayo’y nagging tanso
Naiwang nag-iisa
Heto at nagdurusa
Mag-isang hinaharap
Walang hanggang paghihirap.
No comments:
Post a Comment