“ Ang tunay ng kagandahan ay ang pagkakaroon ng magandang kalooban”-..motto daw ito ng mga pangit ,sabi nila dahil hindi na ngayon mabenta ang kasabihang na ito .. dahil tayo nagyon’y nabubuhay sa isang panahon na may konkretong konsepto na kagandahan .nariyan sila Angel Locsin, Marian Rivera, Casey, Iza Calsado, Sunshine Dizon, Cris Bernal at iba pang artista…- ilan sa mga iniidolo ngayong artista at mga buhay ring halimbawa na nagpapakita sa kung anong klaseng konsepto ng kagandahan ang umiiral sa ating lipunan sa pamamagitan ng media ..pero wag nating ikukumpara ang ating sarili. ang ating buhay sa mga artista ..sa kanilang pag arte dahil artista sila ..pero wag rin tayong manunukso na mga pangit dahil hindi ito tama..Masaklap nga lang isipin na may mga taong kung hindi humihilik ay tabo lamang ang dala nang mag pasabog ang Diyos ng kagandahan sa mundo. Walang masama sa pagiging pangit basta mabuti ang kalooban mo..ang masama ay ang tratuhin ka ng pangit ng mga taong mapaghusga at tumitingin lamang sa panlabas na anyo ng isang tao ..Natural at wala naman tayong X-tray Vision upang Makita ang kagandahang –loob sa likod ng hindi kagandahangpagmumukha…….Pangalawa, binigyan din kasi tayo ng Diyos ng mga mata nagpapahalaga sa mga magagandang bagay na nilikhang ng Diyos.. kaya naman hindi talaga natin maipagkakailang hindi tayo pantay-pantaypagdating sa hitsura …ito ang Katotohan .. The Truth of Our pagkatao Let’s face it …
Mahalaga ang pagmumukha sa buhay ng isang tao. Ito’y bahagi ng ating pagkatao na habambuhay na niyang dadalhin at malaki ang papel sa ating lipunang ginagalawan.. Naisip mo na ba kung bakit malimit mabasa ang salitang “Pleasing personality “ sa mga Classified Ads? Isa itong patunay na ang pagmumukhang isang tao ay maituturing na isang seryosong usapin.Halimbawa , kung ikaw ay isang pasyente sa ospital, nanaisin mo bang gumaling kung ang nurse na gigising sa iyo ay mukhang taghiyawat na tinubuan ng mukha?Sa tingin mo, gagandahan ka bang kumain sa isang first class na restaurant kung ang waiter na magsisilbi sa iyo ay tila nanghiram ng mukha sa aso? Hindi, hindi ba ? Nakakalungkot rin mang isipin , ngunit ang mga duling, banlag,ngongo at kuba ay madalas na hindi nabibigyan ng oportunidad sa mga panahong ito . Ganitong kalupit ang kapangyarihan ng tinutukoy kong “pleasing personality “.
Tandaan : hindi lang ganda ng mukha o katawan ang nagpapaganda ng isang tao kundi ang kalooban .lumilipas din ang lahat ng ito. Hindi naman nadadagdagan o nababawasan ang pagkatao ng isang tao sa pamamagitan lamang ng kanyang hitsura.. Hindi rin mahalaga kung ang nanay mo ang unat’t huling nilalang na nagsabi sa iyong maganda o gwapo ka. Hindi hamak na mas mahalga pa rin kasi ang mga hindi nakikita kasya sa mga nakikita ng ating dalawang mata . Hindi rin sa lahat ng oras at panahon ay magiging gwapo at maganda ang mga Crush ng bayan .. Ang isang tao ay kinikilatis, hindi lamang kinikilala. Ang pagkilala kasi ay pagtingin lamang sa makinis na kutis, matangos ng ilong , at magandang kuko sa paa , ngunit ang pagkilatis ay ang pag-unawang ang mga magaganda’t guwapo ay mga tao ring humihilik, dumidighay, umiihi, at may kanya-kanyang ugali at problema dinadala , gaya mo at gaya ko
Hindi naman tayo pantay pantay sa ganda ng hitsura ,tayo nama’y pare-parehong tao na binigyan mga pare-parehong kapabilidad na tuparin ang ating mga pangarap at mabuhay ng marangal. Ano nga ba ang ipinagkaiba ni Manny Pacquiao sa karamihan? Hindi man perpekto, siya nama’y naging tanyag dahil sa tindi ng kanyang determinasyong magtagumpay sa kanyang larangan. Kaya hindi kailanman maaaring maging dahilan ninuman ang kanyang kapangitan o pisikal na kapintasan upang hindi magtagumpay sa buhay. Iisa ka lang sa mundo at iisa lang ang kaya mong gawin na hindi kayang gawing ng iba at ito ay ang gawin kung ano ang itinakta ng diyos na gawin mo sa buhay(gets mo?) .. Kaya itigil mo na ang pagmukmokdahil hindi hamak na mas malaking problema ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaysa sa mga insecrurities mo sa katawan. Kung sino ka man, simulan mo sa ngayon ang pagbabago. Bumangon ka, itaas ang iyong noo, at buong pagmamalaki mong sabihin sa harapan ng salimin na” ang tunay na kagandahan ay ang pagkakaroon nga magandang kalooban;” na “proud ka sa pagiging Pilipino mo” and “ Be Proud of Your Identity . ang tunay na motto ng mga tunay na magaganda at guwapo, tulad mo at tulad ko
No comments:
Post a Comment