Tuesday, January 24, 2012

Asan ang kapayapaan sa Meycauayan?





Ang Kapayapaam ay mahalaga sa isang lugar, hindi lamang kapayapaan maski ang kaularan. Ang kaularan ay nakasalalaya sa kapayapaan ng isang lugar. Pero paano n lang kung ang isang lugar ay maunlad ngunit wala naming kapayapaan. My kapayapaan pero walang kaularan. Anu ang iyong pipiliin?.

Ang Lungsod ng Meycauayan ay isang bayan na my maunlad na may maunlad na pamumuhay simula noong hanggang ngayon. Ngunit anu itong nakikita ko at nababalitaan ukol sa aking bayan na pinagmulan?. May mataas na bilang na krimen, bakit nga ba? Anu na ang nangyari sa aking bayan?, anu na nangyari sa kapayapaan na umiiral sa ating lungsod. Bago pa man dumating ang mga Fransiscanong misyonero, ay tahimik na ang ating lungsod. Ito ay my maayos na pamumuhay, my maayos na kalakan, my katiwasayan at kapayapaan at higid sa lahat malinis at walang polusyon. Mas nagging tahimik at maganda ang pamumuhay ng mga MeycauÑos ng dumating ang relihiyong Katolisismo na inihandog ng mga misyonerong Franciscano Sa atin. Inihandog nila ang kanilang mga sarili upang mapaunlad ang relihiyon ito. Kahit kakaunti lang sila ay pinilit nilang tugunan ang pangangailanagn ng mga meycaueÑos na nais magpabinyag bilang katoliko. bago pa man ihiwalay ang mga bayan ng Marilaw,Bocaue,Obando,Polo,Bigaa, Sta Maria, San Jose Del Monte na ngayon ay ang bayan na ng Bulacan. Maunlad ang ating bayan. Tahimik . walang krimen na mababalitaan. Maari kang maglakad sa gabi na walang inaalala ng anu pa man.

Kung makikita siguro ito ni Fr. P. Juan de Placensiya, ang lungsod na kaniyang itinatag at pinagpaguran, pinag laanan ng kanyang mga oras at panahon tiyak na ikakahiya niya ito. sa kadahilanan talamak na ang mga krimen sa ating lungsod. Talamak na ang mga masasama ang loob. Mga walang pagmamahal sa kalikasan na minsan ay nagging daan din nating lahat upang mabuhay. Nakakahiyang isipin at maramdaman. Ito ang tingin ng iba sa atin maski ang nakakarami sa nakatira sa Meycauayan. Biro mo isa kang meycaueÑos pero ganun ang naiisp mo at nararmdaman paano pa kaya ang iba na taga labas.

Hay naku kay gulo na ng ating bayan. Kaliwat kanan ang holdapan. Kaliwat kanan ang pagtatangka ng mga mokong lalaki sa mga kababaihan. Kaliwat kanan ang pagtatangka pumatay. Kaliwat kanan ang saksakan na minsa umaabot sa kamatayan ng isang tao. Kaliwat kanan ang mga illegal vendors. Kaliwat kanan ang mga bawal. Kaliwat kanan ang mga sutil na bata. Asan na ang dati kong kialla na Meycauayan? Sa papel, libro,net at kwento ko na lang ba makikita at maririnig ang dating Meycauayan na itinatag ni Fr. P Juan de Plasencia. Wag namn sana.

Mapa bata o matanda lagi nasasangkot sa gulo. Lalo na ngayon makabagong henerasyon ng panahon at makabagong teknolohiya na rina ng umiiral kung dati tangi labor ang hawak mu sa pag hahanap ngayon mayroon ng kompyuter na my net. Dati makinilya lang gamit mo ngayon my kompyuter na dating sa kanto ka lang makaksagab ng tsimis ngayon sa net mayroon na. kung dating simple gulo lang pero ngayon dahil sa net lumalaki. Hindi alam ngayon ng mga kabataan ang nakaraan ng ating lungsod . ang bayan pinipita pitakan ko, mo , ninyo at ni Fr. P. Juan De Plasenciya.

Kelan lang my away ng mga kabtaan sa liga ng basketball sa banga, na sinigundahan naman ng kanilang mga ama at ito ang mga magulang ang nagpangabot. Ang simpleng laro ng basketball ay nauwi sa boxing ng mga kabataan at mga tatay. Datapwat subalit may mga tanod namnan nakabantay ngunit ito ay mga parang poste na nakatayo at nanunuod sa nakakanap . ang mga tanod ay kung hindi may hawak na sigarilyo /baraha sila naman ay namumula dahil sa kalasingan . asan na ang mga tanod na nararapat humawak at mangalaga sa kalikasan ng isang barangay?, dapat siguro sa pwestong ito gumawa na rin ng isang liga ng mga boxingero. Ang dapat ditto sa court na ito ay maglagay ng boxing ring upang hindi mapaminsala ang mga nag aaway at tangi doon sa loob na alng sila magsuntukan. Sana kumilos na ang mga tanod na mistulang mga poste ng meralco. Kahit maliit lamang ang kanilang sinusweldo ngunit pag pinagsamasama mo tio ay malaki na rin. Saying namn ang ibinabayad sa inyu ng gobyerno kung hindi namn pala kasyo kumikilos at nakakawa ung mga tanod na kumikilos pero nasasangkot din sa mga hindi pagkilos ninyo.

Isa pang nakakahindik at nakakalungkot na balita ay yung nangyari noong ika- 11 ng Enero nasa panig ng 3-4 am. Ito raw ay papunta sa stoplight ang dalawa. Hindi ko alam kung magkasintahan man sila . ang insidenteng ito ay hinoldap ang dalawa at lumaban ang lalaki kaya ito ay nasaksak ito ay nangyari sa kanto ng Bollas papuntang stop light. Sa kasamaang palad ang lalaki ay namatay sa Nazarenus dahil malapit sa Puso ang natamong Saksak. At ang babae namn ay ligtas. Ang mga pangyayari ito na kasangkot ang bollas ay nakakaalerto na. ang bollas ay sakop ng Calvario. Sa kantong ito maraming dumadaan lalo na kapag umaga ang gabi. Marami ang nagsasabing madilim sa banig na ito dahil wala nga ilaw at wala pang nagbabantay kung meron man parang bula silang nawawala at lumilitaw kapag may pangayayari masama. Nakakatakot man isipin at nakakalungkot na ikinawala ito ng isang buhay sa kadahilanan na madilim sa panig na ito at wang nagbabanta. Nakakaines kung kelan may pangayayring ganito saka pa lamang kikilos ang kinauukulan.asan na ang kapulisan ng meycauayan? Ang dami pa namn nilang ngayon OJT mga nag pa praktikal. Sana namn ipakita nila ang tama at para wag silang pamarisan nito . kung ako sa knila ung mga naka OJT ilagay nila ditto sa mga walang nakabantay total my hawak namn itong baril upang mag warning shot. Hindi lang dapat kapulisan nararapat din ang barangay na sumasakop rito ay kumilos na.

Alam namn natin lahat na sa panig ng bollas na ito ay maraming kaguluhan na nagaganap. Andyan ang pagtatangka sa isang babae, panghoholdap, mga adik, at marami pa. sana namn lagi ng maglagay ng bantay dito Kahit ang mga nag pa praktikal na mga pulis ay ilagay nila rito na nagkalat sa malhacan at sa iba pang panig ng Meycauayan kapag tanghaling tapat o Kahit mga umaga o hapon. At sana araw araw na at hindi dahil my gulong nangyari sa panig na ito. Hindi lamang sa my bollas nararapat maglagay sa ibang panig din ng Meycauayan.

Spammers? Anu nga bang ang spammers? Sila ay yung mga taong nagpapadala ng mga mensahe sa net na nagdudulot ng pinsala sa isang indibidual. Nakakalungkot isipin na ginagamit ng mga tao ang internet upang makasira at makapaminsala. Sila ay naghahasik ng lagim , nakakapagloko at ginagamit pa nila ang ating minamahal na lungsod ng Meycauayan. Nakakalungkot isipin ito at dahil sa ilang katao lamang ay nadadamay ang lungsod natin na dumaranas ng kahihiyan dahil na rin sa kanila.

Ang mga rugby boys diyan sa Saluysoy. Sana naman aksyunan ito ng kanilang mga magulang, dahil nakakahiya ito. Nakakahiyang Makita ang mga batang ito napakabata pa nila upang malulon sa isang bisyo at ito ay ang pag rurugby . nakakahiyang Makita ito ng ibang tao, ito pa minsan ang dahilan ng mga gulo sa panig na ito ng saluysoy na kung minsan ay nasasangkot pa ang mga estudyante dahil na rin sa paghihingi ng mga batang ito ay hindi lamang mga estudyante maski ang mga dumadaan. Kawawa namn ang mga matatanda nanapaptiran ng pasensya sa kanila. kawawa rin ang mga estudyante nasasaktan nila at sila rin mismo na nasasaktan ng mga tao. Sana aksyunan ito ng barangay ng saluysoy, ng pamahalaang meycauayan at ng kanilang mga magulang.

Ang mga mandurukot sa simbahan. Ang simbahan ay sinasabing tahanan ng diyos. Simbahan pa namn maituturing ngunit talamak na ang mga pangayayring ito. Maawa namn sana sila sa mga mahihirap na dumaan lang ditto upang magpasalamat ngunit ang kapalit ay pagkawala ng mahalagang bagay nila. Maawa rin kayo sa mga taong wala namn kaalam alam dito ngunit napagbibintangan dahil malapit ang kanilang tahanan sa simbahan. Katulad na lang ng mga barangay Zamora na katabi ng simbahan. Poblacion ang mismong sumsakop sa ating parokya, at ang mga dating nakatira sa riles na binigyan ng pabahay ng pamahalaan sa Northville bayugo sa likod ng ating parokya. Sana naman marunong silang maawa at upang hindi tayo maging kahihiyan sa ating lungsod


>> ang video po sa ibaba ay akin pong nakuha sa aking guro na si sir obe.. maraming salamat po sir sa video... :)

No comments:

Post a Comment