Sunday, January 22, 2012

Chinese New Year Sa Ating Mga Pilipino





Hindi pa namn tayo pormal na nasasakop ng bansang China ay pormal na sinabi at inanunsiyo ng pamahalaan particular ng palasayo na Legal Holiday ang darating na Enero 23 para sa pagdiddiwang ng Chinese New Year sa ating bansa. Hindi lamang mga tsinoy ang nagdiddiwang nito maski ang mga Pinoy na rin. Ano mang relihiyon ay ipinagdiddiwang ito. Ano mang esta do mo Sa buhay ay ipinagdiddiwang ito. Ano mang lenguwahe mo basta pilipiono ka ay ipinagdiddiwang ito.

Diyata’t nasakop na tayo ng kultura at tradisyon ng mga tsinoy. Hindi lamang sa kultura at tradisyon maski ang pagdidiwang ng kanilang bagong taon na isinasagawa na rin sa atin particular na sa china town. Ang pag seselebra ng bagong taon ng mga tsinoy na hinahandugan ng mga pagkaing tsinoy maski mga kaugalian nila ay ginagawa na rin natin. Bakit nga ba nakuha natin ito? Siguro ay dahil mahilig tayo sa mga Gawain na ating nakikita sa ibang nasyon kaya ginagaya rin natin.

Sa pagpasok ng maraming taon, ang Pilipinas ay idineklara na rin na holiday at walang pasok ang Chinese new year. Bakit nga ba nila idineklara ito? Dahil nga ba sa pagpapahalaga nilas a mga tsinoy o dahil my nais silang gawin halimbawa na lang upang makabawi sila sa kanilang mga kasalanan. Upang pahalagahan din ang mga nagawa ng mga tsinoy sa ating bansa at upang kilalanin sila dahil malaki ang naitulong nila sa atin. Sana naman hindi lamang sa banyaga nila ito ginagawa o para saan mang ano. Sana hindi lamang sa banyaga ang kanilang alalahanain maski ang mga tradisyon , kultura at pangayayrina natin na unting unti na nalilimot at nabubura sa mga susunod pang henerasyon.

Naway ang ating sariling atin ay hindi mawala dahil lamang sa isang simpleng mga bagay. Naway katulad ng ibang bansa maipamahagai din natain ang mga kultura at tradisyn natin sa ibang bansa.

Diyata’t malaki ang nagging epekto sa ating pagulo ang pagkakaroon niya ng dugong tsino. Hindi man lingid sa atng mga kaalaman na ang ating pangulo ay my dugong tsinoy at minsang tumungo sa bansang tsina upang dalawin ang pinagmulan ng kaniyang butihing ina. Alam naman nating lahat na tubong tralc ang pangulo at purong Pilipino ito, pero maraming di nakakaalam na may lahing tsinoy ito peo marami rin ang my alam nito pero kakaunti lang din ang nakakalam ng nasabing katotohanan. Ang pagiging dugong tsinoy nito ay galling sa kanyang ina.

Naway ang mga talagang tradisyon,kultura at pangyayari sa Pilipinas ay hindi natin makalimutan dahil lamang sa pagpasok ng mga ugaling colonial sa ating mga Pilipino. Ang colonial mentality ay isang dahilan upang yakapin natin ang mga tradisyon at kulturta na hindi satin na ating ginagagawa sa ngayon. Katulad na lang nga pag seselebra ng Chinese new year na hindi namn saa ating ngunit ating ginagawa.

Naway ang mga kabataan sa ngayon ay pahalagahan ang ating mga tradisyon, kultura at mga mahahalagang pangyayari sa ating bansa. Naway matandaan nila ito hindi man nila ito naranasan nabasa namn nila ito sa mga aklat na tama sana ang nilalaman upang mapag aralan pa nila ang dapat nilang malaman at upang maibahagi pa nila ang kanilang nalalaman sa mga susunod na salin lahi. Dahil katulad ng tsina, ang Pilipinas ay hitik sa mga kasaysayan ,kultura at tradisyon na katulad nila mahalaga rin sa atin ito. Mga pangyayari na dapat din natin alalahanin. Mga tradisyon na dapat gawin. Mga kultura dapat alamin at gawin at mga kasaysayan na balik balikan ng mga bata.naway di lang ang kulturang tsinoy na dinala nila sa pinas ang mangibabawa sating mga Pilipino.

Sana katulad ng tsina, maipamahagi rin natin sa ibang bansa ang ating magagandang kultura,tradisyon at kasaysayan. Muli hindi tayong tsino upang gawin ang Gawain nila dahil sa ating pakikisama at kagustuhan ginagawa natin ito. Naway ang sariling ating wag nating ikahiya dahil ginagawa natin ito..

Isang maligayang bagong taon po sa inyong lahat mapa tsino man o hindi

gung Hey Fat Choy"

Kung Hei Fat Choi"

Gong Xi Fa Cai (hangand ko ang kasaganahang ng yaman ng lahat



No comments:

Post a Comment