Monday, June 20, 2011

pagbibigay pugay sa ika 150 kaarawan ni gat jose rizal

bata man ay kilala siya. sino ba talaga siya? sino ba talaga si Jose Rizal? isang doktor,pintor,siruhano,arketekto,iskultor,mahusay na manunulat, manunula at marami pang iba. bakit nga ba tanyag siya saatin at sa iba pang bansa

noong nakaraang linggo ika 19 ng Hunyo taong ito 2011. sinariwa natin ang ika 150 anibersaryo ng kaarwan ni Gat. Jose Rizal. saan mang ulok ng mundo basta kilala si Rizal at my statwa ni Rizal ay ginunita ang kanyang kaarawan.

sa pamumuno ng ating mahal na pangulong Noynoy Aquino ang selebrasyon ay kanyang pinasinayaan. ang selebrasyon ay ginanap lungsod ng calamba kung saan dito ipinanganak ang ating pambansang bayani.

kapansin pansin na sa araw ng kanyang kaarawan ang mga tagahanga ni rizal ay nagsipag palit ng kanilang profile picture sa facebook. hindi lang sa facebook kundi sa iba pa nilang account .kapansin pansin din ang pagkakaroon ng countdown noon. ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod. knowledge channel, Juan Nepomuceno Center for Kapampangan, Holy Angel university,ust,admu,bsu at marami pang iba. kasama sa countdown na ito ay ang pag kakaroon ng contest tungkol sa mga rebulto ni rizal na gagwin daw ito coffee book. kapansin pansin din ang pagiging news treding sa internet ang tungkol sa countdown kay Rizal.

huwag sana nating lahat na kaligtaan na inihandog ni Rizal ang kanyang buhay para lang sa kanyang pinakamamahal na bansang pilipinas at para sa mga kabataan. naway ingatan natin ito..

No comments:

Post a Comment